NAGA CITY- Hinihikayat parin ng lokal na pamahalaan ng Naga ang publiko magpa-booster shot laban sa COVID-19 lalo na ngayong tumataas ang kaso ng sakit sa ilang bahagi ng Luzon kasama na ang Bicol Region.
Ito ay upang patuloy na maprotektahan ang sarili sa matinding epekto ng virus. Kung hindi na gaano maapektuhan, hindi na mapupuno ang mga ospital.
Ayon kay City Events Protocol and Public Information Office Chief Allen Reondanga, sinabi ng Department of Health na tuloy ang mga aktibidad sa Peñafrancia Festival kung hindi napupuno ang mga pagamutan. Hindi aniya dapat na bumaba sa threshold na requirement ng DOH ang nababakunahan.
Bukas ang SM City Naga para sa mga edad 5-11 anyos na tatanggap ng 1st at 2nd Dose, gayundin sa 12-17 anyos, 18-anyos at pataas pati na rin mga health care workers na tatanggap ng 2nd booster dose.