Hindi sapat ang paghingi ng tawad, ito ang mariing sinabi ni KARAPATAN, Secretary General Cristina Palabay sa usapin ng viral video kung saan may sumasayaw na sexy dancer sa nakalipas na command conference ng NBI.
Sa panayam ng Brigada NewsFM, inihayag ni Palabay na tila kailangan i-check kung alam ba ng opisyal ng National Bureau of Investigation o (NBI) ang code ethics ng nasa gobyerno dahil tila hindi nila into alintana matapos ang insedente.
Samantala, sinang-ayunan ng opisyal ng Karapatan ang ginagawang hakbang ni DOJ secretary Boying Remulla na kasuhan ang mga sakot sa pag-hire ng nabanggit na mga dancers aniya’y ito ang isa sa unang pagkakataon na nagkakasundo sila sa isang usapin.
Kaugnay nito, iginiit ni Palabay na sana’y magkaroon ng orientation sa bawat sangay ng gobyerno na may kinalaman sa gender sensitivity at seryosohin ang Magna Carta of Women.
#
