Pagtanggi ni PAO Chief Acosta na magpabakuna, iginagalang ng DOJ

Iginagalang ni Justice Secretary Menardo Guevara ang karapatan ni Public Attorneys Office Chief Percida Acosta na tumangging magpabakuna kontra COVID-19.

Pero nilinaw ni Guevarra na kailangan ding sundin ni Acosta ang mga government regulations partikular sa mga restrictions sa galaw ng mga hindi bakunadong individual para sa public safety.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Ang pahayag ay ginawa ni Guevarra matapos aminin ni Acosta na pinili niyang hindi magpabakuna dahil sa kanyang edad at health considerations.

Aminado si Guevarra na walang batas na mandatory ang anti-COVID 19 vaccination pero may karapatan ang gobyerno na i-regulate ang movement ng mga unvaccinated persons para sa kapakanan ng mas nakakarami.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Nilinaw naman ni Guevarra na hindi naman hindi naman pagkakaitan ng public transport ang mga hindi pa kumpleto ng bakuna basta may patunay ang mga ito na essential ang kanilang biyahe.