Pagtanggap ng aplikasyon para sa educational assitance mula sa Albay Provincial Education Department, pansamantalang isasara

LEGAZPI CITY – Pansamantalang isasara ng Albay Provincial Education Department (PED) ang proseso ng kanilang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa ipapamahaging tulong pinansiyal sa edukasyon.

Batay sa anunsiyong inilabas sa pamamagitan ng isang post, epektibo ang nabanggit na temporaryong pagsasara sa darating na Lunes, Setyembre 5, 2022.

Read More:  Newborn baby girl found at Bohol college parking area

Dagdag pa rito, magbibigay na lamang ng abiso sa publiko ang nasabing opisina sa oras na magkaroon ng resumption sa pagproseso ng mga aplikasyon.

Read More:  Nine injured as Canlaon City booth burns at Buglasan Festival in Dumaguete

Kung matatandaan, kamakailan lamang ay umabot sa mahigit tatlonglibong mga aplikasyon mula sa mga benepisyaryo ang naiproseso at nabigyan ng asistensiya.