Nakaambang taas pasahe sa jeep na pinapaburan ng LTFRB, hindi solusyon sa taas presyo ng petrolyo- PISTON Camarines Sur

NAGA CITY- Pabor sa mga jeepney drivers ang taas pamasahe na hirit ng mga operator na pinaburan naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) pero hindi ito ang mas magandang solusyon dahil nakapabigat nito para sa mga mananakay.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) Camarines Sur Provincial Coordinator Joel Pillogo. Aniya ang nararapat ay ibasura ang oil deregulation law, bawasan ang buwis sa langis na nagiging daan din sa mataas na presyo nito.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Mabigat aniya sa mga pasahero kung daragdagan pa ang P11.00 na minimum na pamasahe.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Mababatid na ayon kay LTFRB Chairperson Cheloy Velicaria-Garafil, pinag-aaralan pa nila kung P3.00 o P4.00 ang ipatutupad na dagdag pasahe, depende sa resulta ng petisyon mula sa mga jeepney groups.  Inaasaghang ngayong linggo maisasapinal kung ilan ang idaragdag.