Presyo ng diesel sa Camarines Norte naglalaro ngayon sa P82. 95 hanggang P89. 14, gasolina P76. 10- P80. 84

CAMARINES NORTE- Dagdag pahirap na naman sa mga motorista ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na sinimulang ipatupad noong Martes, Agosto 30.

Naglalaro ngayon sa P82. 95 hanggang P89. 14 ang presyo ng diesel habang P76. 10 hanggang P80. 84 naman sa gasolina.

Sa Shell Mancruz nasa P84. 15 ang presyo sa kada litro ng Fuel save diesel, P89. 14 sa V power diesel, P78. 85 sa fuel save gasoline AT p80. 84 sa v power gasoline.

Sa Seaoil nasa P83. 15 ang kada litro ng kanilang Exceed diesel, P76. 60 sa Extreme U at P77. 10

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Sa Ptt gasoline station nasa P83, 15 ang kada litro ng BlueDiesel, P77. 85 sa Blue Gasoline 93+ at P78. 35 sa Blue Gasoline 95+.

Sa Phoenix nasa P84. 15 sa diesel, P78. 85 sa super unleaded at P79. 35 sa Premium.

Sa katapat naman nitong Petron Pandan, P84. 75 ang kada litro ng diesel, P78. 85 sa xtra advance, P79. 85 sa XCS at P86. 15 sa turbo diesel.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

Dati ay magkakapareho ang presyo ng produktong petrolyo sa Seaoil, PTT at Phonenix sa tuwing nagkakaroon ng price adjustment.

Sa Petro Gazz Basud naman ay nasa P82. 95 ang kada litro ng GDZL power, P76. 60 sa G prime 91 at P77. 10 sa G premium.

Patuloy naman ngayong naghihintay ng kanilang fuel subsidy ang tricycle sector.

Habang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources naman ay nakapagpamahagi na ng fuel discount card sa iba’t- ibang bayan maliban sa Mercedes at Capalonga.