Truck ban sa Legazpi City, hihigpitan

LEGAZPI CITY – Nagsimula na ngayon ang striktong pagpapatupad ng truck ban sa ilang bahagi ng lunsod ng Legazpi.

Sa nakalap na impormasyon ng Brigada News FM Legazpi, nagbaba ng order si Albay Governor Noel Rosal ukol sa Public Safety Office at Philippine National Police na higpitan ang truck ban sa Brgy. Rawis at maging sa Yawa Bridge.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Dahilan nito ang matinding traffic na nararanasan sa UST at Yawa Bridge halos araw-araw.

Ang truck ban umano ay nagsisimula ng alas-6 hanggang alas-9 nang umaga at alas-6 hanggang alas 9 nang gabi.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Aasahan din umano ang bigat ng trapiko dala ng pagbubukas na ng face to face classes.

Maliban pa rito, minomonitor din ang mga 10 wheeler trucks na ginagamit sa quarry operators na patuloy na lumalabag sa pinalabas na EO ng provincial government of Albay.