Nagbabala ang British Health Officials kaugnay sa inaasahang pagtaas ng mga kaso ng “flu” at ang resurgence ng COVID-19 na pinangangambahang magpapahirap sa winter season.
Ayon kay Susan Hopkins na Chief Medical Advisor ng UK Health Security Agency, maraming indikasyon na maaaring maharapin ang banta ng malawakang hawahan ng flu, mas bumaba ang natural immunitty dahil sa less exposure sa huling tatlong winter at ang posibleng pagtaas ng paglaganap na naman ng COVID-19.
Matatandaan na ang mga babala sa posibleng “twindemic” ng COVID at flu ay palagi nang iniisyu bago ang winter season simula nang umusbong ang COVID-19 pandemic.
Una nang niluwagan ng gobyerno ng United Kingdom ang restrictions noong unang bahagi ng 2022 kung saan bumalik ang mga social contacts sa halos pre-pandemic norms.
Kaugnay nito ay nanawagan ang UKHSAna mahalaga pa ring magpabakuna ang mga tap laban sa COVID-19 at flu.
Napag-alamang mayroong 33 million na tao ang eligible para sa free flu vaccine habang 26 million naman ang eligible sa COVID vaccine booster ngayong taon sa UK
