Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Daraga, Albay dahil umano sa mga residenteng nagtatrabaho sa mga lugar na may mataas na kaso

BNFM BICOL—Maraming mga residente ng bayan ng Daraga, Albay ang nagtatrabaho sa iba’t-ibang mga lugar at umuuwi ng regular sa bayan.

Ito umano marahil ang dahilan ng biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar ayon sa alkalde nitong si Mayor Vic Perete.

Anya, maraming mga empleyado at iba pang manggagawa na sa lungsod ng Legazpi nagtatrabaho kung saan mataas ang kaso ng COVID-19.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Nitong mga nagdaang araw ay maraming tanggapan sa lungsod ang inilockdown dahil sa mga empleyadong tinamaan ng sakit kung saan hindi rin naiwasang mahawa ang mga kapwa empleyado ng mga ito.

Ang bayan ng Daraga ang siyang tanging lugar sa Albay na nagtala ng kaso ng coronavirus kahapon na mayroong dalawang bagong tinamaan ng sakit.

Kaugnay nito ay umapela ang alkalde nito sa kanyang mga mamamayan na sundin ang mga health protocol, iwasan ang mass gathering, fiesta at iba pang mga aktibidad na gaya nito.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Mababatid na kasama ang bayan ng Daraga sa isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ) kahanay ng lungsod ng Legazpi sa ilalim ng Executive Order No.14 na inilabas ni Gobernador Al Francis Bichara kagabi.###