Isang transwoman college student sa Cagayan State University Andrews campus sa Tuguegarao City ang viral sa social media matapos I-upload ang larawan na nakasuot ng unipormeng pambabae.
Abot ang pasasalamat ni Ringo Antonio na isang tranwoman sa pamunuan ng Cagayan State University Andrews Campus matapos payagan siyang magsuot ng unipormeng naayon sa kanyang gender expression.
Base sa facebook post ni Antonio nagpasalamat ito sa kanyang paaralan dahil sa suportang ibinigay sa kanya para mapagbigyan ang kanyang kagustuhang magsuot ng unipormeng pambabae.
Marami din sa kanyang mga kaibigan ang nagpa-abot ng suporta dahil sa ginawa nitong pagpapakatotoo sa sarili at ang tapang na harapin ang mga posibleng pambubully ng mga estudyante.
Si Antonio ay isang 3rd year student na kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in English.
Matatandaaan na naging mainit sa mga nagdaang taon ang isyu ng mga transgender hinggil sa kanilang mga Karapatan sa lipunan kasama na ang pagsusuot pambabae sa mga paaralan.