Pagsusuot ng face shield hinihimok pa rin sa vaccination site

CAMARINES NORTE- Bagamat hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield, marami pa rin ang gumagamit nito lalo na ang mga nagpapabakuna.

Hinihimok pa rin kasi ang pagsusuot ng face shield lalo na kung masyadong maraming tao bilang dagdag proteksyon kontra COVID- 19.

Kaninang umaga ay marami pa rin ang nakasuot ng face shield habang nakapila sa Basud Sports Complex para magpabakuna.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Habang may ilan naman na hindi na gumagamit nito.

Ang mga establishment naman dito sa bayan ng Daet tulad ng mga bangko na dating mahigpit sa pagpapagamit ng face shield ay hindi na rin nagre- require nito.

Una nang inihayag ng Inter Agency Tak Force na voluntary na lamang ang pagsusuot nito sa mga lugar na nasa ilalim ng COVID- 19 Alert Levels 1, 2 at 3.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Pero nilinaw ng COVID- 19 task force na ang mga pribadong establisyimento at workplaces ay maaari pa ring mag require sa kanilang mga empleado at customer na magsuot ng face shield.

Para naman sa mga sumasakay sa pampublikong sasakyan malaking ginhawa sa kanila ang hindi na sapilitang pagpapasuot ng face shield.

Matatandaan na inobliga ng gobyerno ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng pampublikong lugar sa kasagsagan ng pandemya.