Pagsusuot ng face shield bilang bahagi ng COVID-19 protocol tinanggal na sa Manila

Suportado ng Metro Manila Mayors ang panukalang tangggalin na ang pagsusuot ng face shields sa mga indoor venues.

Ayon kay Metro Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos Jr., nagkaisa ang mga alkalde na suportahan ang isinusulong ni DILG Sec. Año na mandatory lamang ang pagsusuot ng mga faceshield sa mga critical areas.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Kabilang na dito ang mga ospital, health clinic at health centers.

Paliwanag ni Abalos, irerekomenda nila sa IATF na hindi na i-require ang publiko na magsuot ng shield sa mga malls at iba pang close door establishment.

Read More:  NBI witness says VP Sara Duterte skipped threat probe, sent lawyer instead

Ngayong umaga inanunsyo ni Mayor Isko Moreno na hindi na requirement ang face shield kapag pumasok sa mga establishemento maliban kung pupunta sa mga pagamutan.

Ang naturang hakbang ay sa gitna ng patuloy na pagluluwag sa quarantine restrictions sa NCR.