Pagkontrol sa inflation – pangunahing concern pa rin ng mga Pilipino ayon sa isang survey

Nananatili pa rin ang usapin sa pagkontrol ng inflation sa mga pangunahing concenrs ng mga Pilipino.

Sa ‘Ulat ng Bayan’ ng Pulse Asia – lumabas na naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na ang pag-kontrol sa inflation ang dapat ay maging ‘most urgent concern’ ng national administration.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

63% ng mga respondents ang nagsasabing ito ang dapat pagtuunan ng pansin ng Gobyerno.

Kung maaalala, sa mga nagdaang survey ng Pulse Asia ay palagi ring nangunguna ang inflation sa top concerns ng mga respondents.

Read More:  Ukrainian firm facing money laundering charges sent funds to Duterte-linked company

Sumunod naman ang pagpapataas sa sahod na mayroong 44%; paglikha ng mga trabaho sa 31%; at pagbawas sa kahirapan sa 30%.

Isinagawa ang survey noong June 19-23; sa 1,200 adult respondents.
#