Muling umapela ang Philippine National Police (PNP) kay Apollo Quiboloy na harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.
So Quiboloy ay nahaharap sa kasong Child at Sexual Abuse.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ito’y para mabigyan siya at mga kapwa akusado ng pagkakataon na sagutin ang mga akusasyon laban sa kanila.
Samantala, ipinaliwanag din ni Fajardo ang pagdaragdag ng kanilang pwersa sa pagsisilbi ng warrant of arrest kay Quiboloy sa Davao kamakailan.
Ayon sa opisyal, ito’y dahil sa pronouncement ni Quiboloy na hindi ito magpapahuli ng buhay.
Ginagawa lang aniya ng PNP ang lahat upang walang masaktan at maging mapayapa ang paghahain ng warrant of arrest.
Maaalalang, 6 na myembro ng Kingdom of Jesus Christ ang sinampahan ng kasong obstruction, disobedience at violation ng Batas Pambansa 6 ng PNP dahil sa pagdadala ng bladed weapon dahil sa pagharang operasyon ng mga pulis.