Inihayag ng abogado ni former Albay Gov. Noel Rosal na invalid ang ginawang pagsilbi ng writ of execution ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol dahil wala naman umanong kasulatang ibinaba ang central office na ang undersecretary ang magsilbi nito.
Sa isang press conference, sinabi ni Atty. Elmar Barreda ang Manila Lawyer ni Rosal, malinaw ang naging kautusan ng kalihim ng ahensya ang dapat na magsilbi ng writ of execution at walang ininigay na otoridad sa iba.
Aniya, kung magsisilbi man ang regional director ay kailangang siguradohing mayroon itong sulat mula kay DILG Sec. Benjamin Abalos, Jr.
Kinukwestyon ng abogado ni Rosal ang pagsilbi nito dahil sa magkaiba naman umano ang regional director at ang DILG Secretary.
Sinabi ng opisyal, hindi valid ang service ng writ of execution na ginawa ng DILG Bicol at gagawa na rin ng aksyon ang legal team ni Rosal.