Huli sa akto na kinakatay ang tinatayang apat na piraso ng pawikan sa aplaya ng Barangay Ramon Magsaysay sa bayan ng Aborlan, Palawan.
Isa umano ang nahuli habang kinakatay ang dalawa sa apat na pawikan bandang alas-onse ng umaga kanina.
May-ari umano ito ng baklad kung saan pumasok ang mga pawikan, ayon sa Bantay Palawan.
Dalawa sa naturang hayop ay patay na habang ang dalawang naisalba ay agad na pinakawalan ng awtoridad.
Samantala, inimbestigahan pa ng PNP kung may iba pang kasama sa pagkatay ng pawikan.
Ang pagkatay ng pawikan ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Wildlife Conservation and Protection Act.