HFMD cases sa lalawigan ng Albay, tumataas; 585 HFMD cases, naitala

Patuloy ngayong tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa hand, foot and mouth diseases (HFMD) sa lalawigan ng Albay kung saan umabot na ito sa 585 batay sa pinakahuling datos ng Albay Provincial Health Office (PHO).

Sa ulat ng Albay PHO Epidemiology and Surveillance Unit Coordinator Jed Bailon, ang nasabing mga kaso ay naitala mula Enero 6 hanggang Nobyembre 26.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Batay sa tala, naitala ang pinakamataas na bilang ng mga kaso sa Oas kung saan mayroon itong 162 na sinundan ng Legazpi City na may 107; Guinobatan na may 73; Daraga na may 55; Camalig na may 50; 30 sa Tiwi; 25 sa Tabaco City; parehong 16 sa Santo Domingo, Polangui at Malilipot; 14 sa Manito; 13 sa Rapu-rapu; habang 8 naman sa Ligao City.

Sa datos na ito ay 400 ang pinakamataas na bilang ng kaso mula sa mga batang may edad 1-15 taong gulang; sinusundan ng 6-10 taong gulang na may 140 na kaso; 29 ang mula sa 0-11 months old; 12 sa 11-15 years old; 3 sa 16-20; at iisa naman sa 21-25.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Samantala, inihayag naman ng kaparehong tanggapan na 45% o 283 rito ang mga babae habang 52% o 302 naman ang mga lalaki.