Pagsasayaw nang hubad sa Lakbayaw, wala umanong kaugnayan sa Simbahan

Nilinaw ng rector at parish priest ng Sto Niño Church sa Tondo na hindi nila pinahihintulutan ang ilang deboto na magsayaw nang hubad sa prosesyon ng Pista ng Sto Niño.

Sa inilabas na pahayag ng simbahan, sinasabing ang pagsasayaw nang walang damit pang-itaas ay walang kaugnayan sa kanilang parokya.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Mababatid na kumalat sa social media ang pagkikiisa at pagsayaw ng ilang deboto sa prosesyon habang mga nakahubad.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Nanindigan ang simbahan na kailanman ay hindi nila kukunsintihin ang ganitong mga gawain.

Mariing sinabi nito na ang mga grupong nakita sa video ay hindi kasama sa mga nagpatala sa parokya upang makasama sa Prusisyon ng Lakbayaw.