DILG, wala raw alam sa naging imbestigasyon ng ICC

Tahasang sinabi ni Interior secretary Benhur Abalos na walang alam ang kanilang departamento hinggil sa naging imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC sa bansa.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Abalos na wala rin silang komunikasyon sa ICC.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Tiniyak pa ng opisyal na susunod sila sa kung ano man ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos.

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi nito kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas, at inatasan na rin ang mga ahensya ng pamahalaan na huwag sumagot sa ICC.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Nabatid na ayon kay dating senator Antonio Trillanes, natapos na raw ang ICC sa pag iimbestiga at sa pangangalap ng ebidensya hinggil sa naging drug on war ng dating administrasyon.