Pagsasaka – gagawing ‘sexy’ ng DAR

Gagawing “sexy” ng Department of Agrarian Reform o DAR ang pagsasaka sa bansa.

Ito ay para daw mas maakit ang mga kabataan na pasukin ang sektor ng agrikultura.

Sa ambush interview sa Malacañang kay DAR Secretary Conrado Estrella, sinabi nitong gagawing nilang “sexy” o kaakit akit ang pagsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng tig-tatlong ektaryang lupain sa mga nagtapos ng agriculture courses.

Read More:  DepEd urges schools to partner with parents to prevent school violence

Kinakailangan lang daw nilang magpalista sa regional director ng DAR sa kanilang lugar.

Ang pamimigay ng lupa sa mga agriculture graduates ay nakapaloob sa Executive order number 75 ng DAR, kung saan maliban sa kanila, entitled rin sa libreng tatlong ektarya ang mga retired PNP at AFP personnel, gayundin ang mga rebel returnees.

Read More:  VP Sara impeachment trial could last up to 8 months, says Gatchalian

Ayon kay Estrella, may ilang State Universities and Colleges na sa bansa tulad ng Pangasinan State University at ang Northern Mindanao State University ang pumayag na ibigay sa DAR ang mga disposable at alienable land para sa naturang programa.