P10 milyong laang pondo para sa librong ‘Isang Kaibigan’, maituturing umanong ‘improper request’ – kay Sen. Hontiveros

‘Very inappropriate’

Ganyan kung ilarawan ni Senadora Risa Hontiveros ang hiling na P10 milyon pondo ng opisina ni Vice President Sara Duterte para sa kanyang iniakdang librong ‘Isang Kaibigan’.

Sa nasabing libro, mababasa ang kwento ni Kwago at Laro na nagtulungan sa naging pananalasa ng bagyo.

Read More:  DepEd urges schools to partner with parents to prevent school violence

Samantala, makikita sa dulo ng libro ang mukha ni Sara kasama ang ilang detalye ng kanyang mga naging posisyon sa bansa.

Kasunod nito, tinawag ni Hontiveros na ‘improper request’ ang paghiling ni Sara rito dahil hindi umano dapat gamitin ang buwis mga mamamayang Pilipino sa mga ganitong bagay.

Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Kung kaya’t tiniyak naman niyang maghahain siya ng mosyon sa tamang oras upang i-realign ang mga pondong nasa OVP papunta sa ibang ahensya.