Pagsasagawa ng ‘house to house campaign’ ng mga tumatakbong kandidato, pinahihintulutan na ayon sa COMELEC-Bicol

BNFM BICOL—Inihayag ni COMELEC-Bicol – Atty. Jazmin Banzuela Belarmino, na pinahihintulutan na ng komisyon ang pagsasagawa ng ‘house to house’ na pangangampanya ng mga tumatakbong kandidato sa rehiyon ngayong May 2022 election.

Ayon kay Belarmino, ito aniya ang nakasaad sa ibinabang COMELEC Resolution No. 10732, kalakip ang mga guidelines na  ipinasusunod ng komisyon pagdating sa usapin ng pagsasagawa ng “in person” campaign, rallies, miting de avance at iba pang pagtitipon.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ganunpaman, sinabi ng opisyal na titiyakin pa rin ng COMELEC na mahigpit na ipapatupad ng mga partido at local candidates ang minimum health protocols.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Kaugnay nito, una na ring sinabi ni DILG Bicol Regional Director –Atty. Anthony Nuyda na mahigpit ring naka monitor ang kanilang tanggapan kung nasusunod ng mga kandidato ang guidelines na itinalaga ng COMELEC sa pangangampanya.###