Pagsasagawa ng bloodletting activity sa mga susunod na buwan, inaasahang tuloy -tuloy pa rin

Tiwala ang Philippine Red Cross (PRC) Albay Chapter na ang kanilang mga partners ay magsasagawa rin ng kanilang bloodletting activity sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Rose Rivero administrator ng nasabing tanggapan, marami na ang nagpalista o naka-schedule sa kanilang opisina upang magsagawa ng nasabing aktibidad ngayong buwan ng Pebrero.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Inaasahan nitong tuloy-tuloy na ang aktibidad hanggang sa susunod pang mga buwan upang matugunan ang pangangailangan sa supply ng dugo.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang pagdonate ng dugo ay malaking tulong sa mga nangangailangan lalo na’t kung ito ay nag-aagaw-buhay.

Sinabi ng opisyal na sa ngayon ay kompyansa itong sasapat na ang supply ng dugo ngayong Pebrero at Marso.