Business groups – wi-nelcome din ang POGO ban

Welcome din ng ilang business groups ang pagba-ban ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga POGO.

Ayon kay Philippine Chamber of Commerce and Industry Chairman George Barcelon, maraming dalang krimen ang POGO kaya suportado niya ang plano ng pangulo.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Samantala, sinabi naman ni Employers Federation of the Philippines President Sergio Ortiz-Ruiz, na magandang may itinakdang phase-out period ang presidente na hanggang sa katapusan ng taon.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Una nang sinabi ng Department of Finance na ang pagpapasara sa mga POGO ay hindi naman masyadong makaaapekto sa ekonomiya ng bansa.