Pagsasaayos ng pantalan sa bayan ng Bulan, nasa curing period na ayon sa PPA

Nasa curing period na umano ang pagsasaayos ng Port of Bulan sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Ayon kay Nelvah G. Gargallo, Acting Division Manager ng Philippine Port Authority (PPA TMO) Bulan, hinihintay na lamang umano nila na mai-turn over sa kanila ang bagong ayos na pantalan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Bagamat nasa curing period na umano ito dapat pa rin aniya na masigurado nila na 100% ligtas na itong gamitin. 

Matatandaan na nagkaroon ng maraming bitak ang ibabaw ng nasabing pantalan matapos na magkaroon ng malaking butas o nag cave-in ang ilalim ng pantalaan matapos ang Bagyong Tisoy.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kabilang pa sa mga inayos sa pantalan ay ang complete pavement, coastway at ang malaking bahagi ng sidelopes nito.

Sa ngayon, kalahating bahagi na lamang umano ng pantalan ang nagagamit ng mga rolling cargoes at mga pasahero.