Bangkay ng binatang nalunod sa Naga City, natagpuan na

NAGA CITY-  Natagpuan na ang bangkay ng lalaking nalunod sa Naga City.

Sa ulat ng Naga City Police Office natagpuan ang bangkay ni Bermon Reyes, 29-anyos native ng Sucat, Parañaque City na nagtatrabaho bilang laborer sa Water Treatment Facility, San Isidro Naga City. Nakita ito sa Barangay Palestina , Pili Camarines Sur bandang alas 10:30  Martes ng umaga Dec. 20, 2022.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Mababatid na may binatang naiulat na nawala matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig noong linggo Dec. 19. Nirespondehan ng Search and Rescue Team, Police Station 4  at Barangay Officials.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Napag-alaman sa kasama nito sa trabaho na nag swimming sila sa Yabu River, natangay sa malalim na parte ng ilog ang binate at bigla na lamang nawala.

Ayon sa mga responders, napag-alaman nila na lasing ang binata nang maligo sa rumaragasang tubig.