KORONADAL CITY- BUMABA ng 7.38% ang total crime incidents o TCI sa Soccsksargen region sa 2nd quarter ng calendar year 2022.
Sa datos ng Police Regional Office 12, ito ay bumaba ng 163 incidents kumpara sa katulad na panahon ng 2021.
Batay sa Peace and Order Indicator (PO) ang rehiyon ay nakapagtala ng 1,161 crime incidents na mas mababa kumpara sa 1,451 noong nakaraang taon.
Ang theft o pagnanakaw ang nangungunang krimen sa rehiyon na sinusundan naman ng rape.
