Pagsalubong sa bagong taon sa Puerto Princesa, naging mapayapa- PPCPO

Ipinagmalaki ng Puerto Princesa City Police Office na naging mapayapa sa kabuuan ang selebrasyon ng bagong taon sa buong lungsod.

Ayon kay PCAPT. VICTORIA CARMEN IQUIN, walang naitala na anumang insidente na may kinalaman sa pagsalubong ng taong 2023 sa animnapu’t anim (66) na barangay ng siyudad.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Mayroon lamang naitalang apat na vehicular accident o aksidente sa kalsada at pananaksak sa Barangay Montible noong ika- 31 ng Disyembre 2022 gayunman ay hindi umano ito konektado sa pagsalubong ng bagong taon.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kaugnay nito, nagpapasalamat ang City Police Office sa kooperasyon ng bawat isa kaya naging mapayapa hanggang ngayon ang lungsod.