Brutal na pinatay ang isang baranggay kagawad ng Brgy. Montible sa Puerto Princesa nitong Sabado, ika-31 ng Disyembre 2022.
Ang biktima ay si Kgd Ma. Victoria S. Jao. na pinaslang sa kusina ng kanilang bahay.
Nagtamo ito ng mga saksak sa katawan at halos maputulan ng leeg matapos gilitan ng suspek.
Suspek rito ang isang Person Deprived of Liberty ( PDL ) na si Edison Ramos Jr. na Person Deprived of Liberty ( PDL ) sa Montible Sub- Colony na sinampahan na ng kasong murder.
Mag-isa lamang umano ito sa tahanan bago mangyari ang krimen dahil may mahalagang pinuntahan ang kanyang asawa noong araw na iyon.
Samantala, pagnanakaw ang tinitingnang motibo ng suspek sa krimen, ayon sa PNP.