Pagrerehistro ng makinarya na pagmamay-ari ng mga rice farmers sa Cauayan City, isinasagawa

Kasalukuyan na ang pag-iikot ng mga kawani ng City Agriculture Office sa mga barangay sa lungsod ng Cauayan para sa pagpaparehistro ng mga makinarya sa pagsasaka ng mga rice farmers.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculturist, sinabi niya na marami na silang napuntahang barangay sa syudad kung saan biniberipika nila ang mga dokumentong nagpapatunay na pagmamay-ari ng mga magsasaka ang mga naturang makinarya.

Kamakailan lang ay inilunsad aniya ito sa barangay San Francisco ng City Agriculture Office katuwang ang Regional Agriculture Engineering Division ng DA Region 2.

Sinabi pa ni Engr. Alonzo na layunin ng pagrerehistro sa mga magsasaka sa RSBSA upang magkaroon ng data base na siyang gagamitin ng Lokal na pamahalaan sa paggawa ng mga polisiya at malaman ang mga pangangailangan pa ng mga magsasaka pagdating sa makinarya.

Magiging basehan din aniya ito ng DA sa pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka ng palay lalo na sa pamamahagi ng fuel subsidy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *