Pagrecover sa bangkay dahil sa pagputok ng Mt. Semeru sa Indonesia, pahirapan

Pahirapan pa rin sa mga rescuers ang ginagawa nilang pag-recover sa mga nasawi sa pagputok ng Mt. Semeru sa Indonesia.

Ayon sa report, natabunan ng makapal na abo at putik ang mga biktima kaya nahihirapan ang mga rescuers sa kanilang ginagawang operasyon.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Napag-alaman na matapos ang pagputok ng bulkan ay nasundan pa ng pag-ulan kaya lalong nabaon sa putik ang maraming bahay at marami ang nasawi.

Dahil dito ay libu-libo ngayon ang nawalan ng tahanan kung saan ay maraming bahay ang bubong na lang ang nakikita.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Dahil nabaon din sa makapal na putik ang mga kalsada, kinailangang gumamit ng special vehicle ang Red Cross para sa paglilikas sa mga tao at paghahatid ng tulong

Dagsa ngayon sa evacuation center ang mga residenteng nawalan ng bahay na babalikan.