Sinisikap ngayon ng Merican authorities na matukoy ang 55 katao na namatay matapos bumaliktad ang isang truck.
Ayon sa report, nasa mahigit 150 na tao na sinasabing mga migrants mula sa Central America ang sakay ng trailer ng truck nang maaksidente ito sa Chiapas state.

Base sa inisyal na report, mabilis ang takbo ng truck nang tumagilid ito at tumilapon sa kurbahan at tumama sa pedestrian bridge.
Kaugnay nito ay nagpahayag si Mexican president Andres Manuel Lopez Obrador na naglulugksa ang kanilang bansa sa nangyaring trahedya.
Dahil dito ay nanawagan din siya sa buong mundo na tugunan ang “root causes” ng mass migration.