Pagre-release ng genetically-edited organisms sa wild, inalmahan ng mga scientista at eskperto

Umapela ang mga scientists at eksperto na ipagbawal ang pag-release ng genetically-edited organisms sa wild.

Ang apela ay inilabas sa biodiversity talks sa Montreal, kung saan ito ay dinaluhan ng mga delegado mula sa iba’t ibang bansa.

Ang biodiversity talks ay isinagawa upang makapag-usap at makabuo ng estratehiya ang grupo ng mga eksperto at scientists na pigilan ang human environmental destruction, na siya ring magiging banta sa natural life support systems ng mundo.

Ayon sa mga sumusuporta sa genetically-edited organisms, matutulungan nila ang kalusugan, agrikultura, maging ang species conservation.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ngunit ayon sa sulat ng French non-governmental organization Pollinis, ang pag-release ng maturang organisms ay may dalang understudied risks na makakaapekto sa food web at pagbaba ng pollinator populations. // SMM (NATIONAL GEOGRAPHIC SOCIETY PHOTO)