Requirements sa business permits and licenses renewal, hindi dahilan kung bakit natatagalalan ang proseso ng pagrenew – legazpi BPLO

Hindi naman umano matagal ang proseso sa pagrerenew ng mga business permits at licenses sa lunsod ng Legazpi, Albay dahil kung tutuusin, hindi naman din marami ang mga requirements o dokumento na kinakailangang isumite ayon sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng nasabing lunsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Siony Calleja, BPLO head, sinabi nito na ang kinakailangan lamang na isumite upang maproseso ang renewal ay ang proof of income, at ang market clearance para sa mga market store holders.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Aniya, natatagalan lamang ang proseso kung ang isang magrerenew ay umalis matapos maipasa ang mga dokumento at ma-issue sa kanya ang tax order of payment at babalik makalipas ang ilang araw hanggang isang lingo upang magbayad.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Nakikita umano nila ito sa kanilang system o task log, at base na rin ditto ang pinakamaikling proseso sa pagrenew sa lunsod ay inabot lamang ng labing-apat na minuto.

Paliwanag ni Calleja, hangga’t hindi lumalabag sa patakaran ang sinumang magrerenew ay madali lamang na mapoproseso ang kanilang renewal.