Christmas Village sa lunsod ng Legazpi, bubuksan na ngayong araw

Tanging ang lunsod ng Legazpi na lamang ang hindi pa nakakapagbukas ng Christmas Village sa sa buong lalawigan ng Albay.

Noong mga nagdaang mga araw at linggo ay nasaksihan ang pagbubukas at pagpapailaw ng mga Christmas village sa ilang mga siyudad sa lalawigan katulad ng Ligao at Tabaco City.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ngunit ngayong araw sa ganap na alas singko ng hapon ay isasagawa na ang lighting ceremony ng Christmas village sa Sawangan Park sa Brgy. Dap-Dap ng nasabing lunsod.

Ayon kay Cristina Agapita Pacres, ang City Tourism ng LGU Legazpi, masasaksihan ng mga Legazpeño ang magiging pasyalan, kung saan makikita ang mga pailaw, dekorasyon, naglalakihang na Christmas tree at mga parol, belen, architects village, Christmas balls, at marami pang iba.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ang mga tumulong sa pagsasaayos at pagpapaganda ng nasabing pasyalan ay mula sa mga iba’t ibang mga business establishment sa lunsod.