Sinimulan na ng House Committee on Transportation ang pagdinig sa ilang isyu ng PUV modernisasyon program.
Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon si House Speaker Martin Romualdez na may korupsyon umano sa ipinapatupad na PUV modernization Program.
Lumabas sa pagdinig na may ilang drayber o operator na sumali sa kooperatiba ang tila na walan na ng pag-aari at karapatan sa jeepney units na sila mismo ang nagsikap na mabayaran.
Kwento ng isang driver-operator na sumali sa consolidation na si Philip Burata, tila inagaw na sa kanila ng mga korporasyon ang mga sasakyan kahit na may kasunduan na sila pa rin ang hahawak sa mga operasyon ng mga ito.
Napilitin umano ang mga driver at operator na magpa-consolidate matapos i-anunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na tuloy ang deadline para sa PUV modernization program.
Mababatid na sinabi ng LTFRB na nasa 70% na mga tradisyunal jeep ang ang nagpaconsolidate.
Ginisa ni Rep. Romeo Acop ang LTFRB dahil sa pagpupumilit nito sa deadline ng consolidation kahit nasa 10% pa lang na mga ruta ng mga jeep ang na-rationalize o ‘yung naiayos na.
