Pagproseso ng AICS educational assistance, ipagpapatuloy ng DSWD Bicol sa darating na Sabado

LEGAZPI CITY – Inanunsiyo ng Department of Heath (DOH) Bicol na ipagpapatuloy na nila ang pagpoproseso ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Educational Assistance sa darating na Sabado, Setyembre 10, 2022.

Nakasaad sa impormasyong inilabas ng ahensiya na tanging ang may mga kompirmasyon via text message lamang ang maa-accomodate sa nasabing proseso.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Samantala, ang mga mabibigyan naman ng mga appointment ay ang mga aplikanteng pumila o nag-email sa DSWD Bicol noong Agosto 20 at nagfill-out ng link o QR code hanggang Agosto 30.

Pinaalalahanan naman ng ahensiya ang mga may appointment o aplikante na pumunta sa itinakdang oras at lugar na nakalagay sa text message mula sa kanila.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Maliban dito, siguraduhin ding orihinal ang pirma sa mga dokumenti at walang bura. Dagdag pa rito, kinakailangan ding magbaon ng tubig, pagkain, at huwag nang dalahin ang mga bata sa payout venue.

Kinakailangan din umanong magdala ng sariling balloen at huwag kalilimutang magsuot ng facemask, gumamit ng alcohol at ang pag-obserba ng social distancing.