LEGAZPI CITY – Pumalo na sa mahigit tatlonglibong agrarian legal cases sa Bicol ang naresolba mula Enero hanggang buwan ng Agosto sa taon 2022.
Ayon kay Leo Miguel Ramos, officer-in-charge and Assistant Regional Director for Administration at Legal Chief ng Department of Agrarian Reform (DAR) Bicol, umabot sa 3, 044 mula sa 5, 582 agrarian legal cases na target sa ikatlong quarter ang naresolba.
Umaasa siyang mapapanatili ang magandang performance ng rehiyon tulad ng ipinahiwatig ng formative evaluation noong nakaraang buwan.
Nairesolba ng DAR Bicol ang 270 quasi-judicial cases, 41 judicial cases, 430 Agrarian Law Implementation (ALI) cases, at 2, 303 cases na dinala sa mediation.
Pinasasalamatan ng opisyal ang DAR provincial legal chiefs at legal officers sa kanilang suporta at pakikipagtulungan sa pagkamit ng kanilang zero-backlog target sa pagtatapos ng taon.