Mahigit 20 kompanya, lalahok ngayong araw sa job fair sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Isasagawa ngayong araw ang One Day Local Recruitment o Job Fair sa bayan ng Daraga, Albay.

Ayon sa Public Employment Service Office (PESO) Daraga, ang nasabing aktibidad na ito ay may temang Trabaho sa Arangkada Banwa na kung saan ang magiging prayoridad ng mga kompanya ay mula sa nasabing bayan.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Marami kasi umano sa ngayon ang naghahanap ng trabaho matapos na mawalan dahil sa pandemya.

May mga nagsipagtapos na rin sa kanilang paaralan sa kolehiyo kung saan naghahanap rin ito ng kanilang trabahong mapapasukan.

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Malaking tulong ang aktbidad na ito upang  mabawasan ang unemployment rate sa bayan.

Sinabi ng nasabing tanggapan, ang pagbubukas ng ekonomiya sa bansa ay simula na rin ng pagbubukas ng industriya upang mapaganda ang ekonomiya ng bansa.