Ilang mambabatas, naniniwalang ‘job-well-done’ si Marcos sa kanyang unang 100 araw

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na naging maayos ang unang 100 araw ni Pangulong Bongbong Marcos sa puwesto.

Sa panayam kay Romualdez matapos ‘HRep Month’ event, sinabi nitong marami nang napagtagumpayan si Marcos partikular na sa kanyang Gabinete.

Malinaw rin aniya ang polisiya ni Marcos, at katuwang ang Kamara ay mabilis na umusad ang budget para sa susunod na taon.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Naniniwala naman si House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na napakampante ng administrasyon ang publiko sa pamamagitan ng ‘impressive’ na economic team nito.

‘In the wake of the pandemic and global tensions in Ukraine and Taiwan, the adverse economic impact of these crises is topmost on most minds. President Marcos, Jr. reassured everyone by assembling an impressive economic team that has been universally praised’ ani Arroyo.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Matatandaang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na babaliin ni Marcos ang tradisyon at nakaugalian ng mga Pangulo dahil posibleng hindi ito maglabas ng ‘first 100 days report’.
#