CBCP, ikinalungkot ang pagpasa sa divorce bill

Ikinalungkot ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpasa ng House Committee on Population and Family Relations sa divorce bill.

Sa isang panayam kay CBCP Public Affairs executive secretary Father Jerome Secillano, nakakalungkot umano na mas pinagtuunan pa ng pansin ng mga mambabatas ang pagpasa sa nasabing batas ngayong nahaharap sa maraming problema ang bansa dulot ng COVID-19.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Lubos rin ang pagkadismaya ni retired Sorsogon Bishop Arturo Bastes dahil ang Pilipinas na lamang ang tanging bansa na sumusunod sa batas ng Diyos kung saan hindi pinapayagan ang paghihiwalay ng mag-asawang kasal sa ilalim ng batas at simbahan.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Naipasa ang divorce bill noong Martes matapos magkaisa ang House panel na aprubahan ang pagsasalegal ng diborsyo sa Pilipinas.