NAGA CITY – Magandang suporta para sa mga magsasaka kung maipapatupad ang P29.00 na kada kilo ng bigas sa Pilipinas, bilang posible ito dahil subsidized o mismong Gobyerno ang bibili mula sa mga magsasaka saka ibebenta.
Kung saan ayon kay Ernesto Asence III, Naga City Acting Agriculture Office Head, dapat na matiyak ng Gobyerno na mas makikinabang ang mga magsasaka lalo na sa kita, dahil naaapektuhan ang cost of production sa patuloy na pag-import ng bigas mula sa ibang bansa, ang masiguro din ang mababang gastos ng bawat magsasaka, at ang mataas na supply ng bigas na ibebenta sa mga kadiwa, merkado na piling mga outlet ng Gobyerno lalo na’t paborable ito para sa mga mamimili.
Ayon pa sa opisyal, kung nais ng mataas na kita, kailangan ang paborableng presyohan sa mga magsasaka, at kasapatan ng supply. Samatala, P43.00 hanggnag P56.00 ang presyohan ng bigas sa lungsod.