LEGAZPI CITY – Hindi kakayanin ng bawat Local Government Unit (LGU) na magpatayo ng sariling standard evacuation center lalo na kung ang disenyo nito ay para sa earthquake and typhoon building.
Ayon kay Dr. Cedric Daep, ang head ng Albay Public and Safety Management Office (APSEMO), malabong makapagpatayo ang mga ito dahil mauubos lamang umano ang kanilang pondo at may mga priority projects pa na dapat unahin.
Aniya, aabutin ng mahigit P30M hanggang P50M ang kinakailangan pondo para sa nasabing palidad.
Kung sakali mang magpatayo ng nabanggit na pasilidad ay double purpose ito kung saan maaaring gamitin din bilang silid paaralan.
Nirekomenda naman ng opisyal na kung hindi man makapagpatayo ng evacuation center ang bawat LGU, ilaan na lamang ang budget o pondo na gagamitin sa pagrelocate nang mga pamilyang nasa danger zone upang maging permanente na hindi na sila magsisilikas tuwing binabagyo ang rehiyon. Sa Albay hindi bababa sa mahigit 500,000 indibidwal ang nagsisilikas sa evacuation center tuwing mayroong papasok na malakas na bagyo sa rehiyon.