Pagpapatayo ng Community Isolation Facility sa bawat barangay sa Cagayan, inutos ni Gov. Mamba; Strict home quarantine, Ipinagbawal

Hinimok ni Governor Manuel Mamba ang lahat ng barangay officials ng kanyang nasasakupan na magkaroon ng sariling Community Isolation Facilities para sa mga tinatamaan ng COVID 19.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ito aniya ay upang maiwasan ang ang pagsasailalim sa mga home isolation.

Ayon pa kay Gov. Mamba ang home quarantine umano ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang kaso ng COVID 19 sa kanilang probinsya.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dagdag pa nito, nauna nang namahagi noong ang provincial gov’t sa mga barangay ng 100,000 na pondo para sa pagpapapatayo at pagmintena ng kani-kanilang community isolation facility.

Hinimok din nito ang lahat ng barangay officials at mga mamamayan partikular sa may mga matataas na kaso ng COVID 19 na magdagdag pa ng extra effort para sa pagtugon sa pandemya.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Samantala, pinayuhan din niya ang mga Lokal na Pamahalaan na may posibilidad na gawing isolation units ang mga ilang paaralan kung saan ang lahat ng mga nakahome-quarantine ay ililipat dito.

Ayon pa sa gobernadora, ang mga ipapatayong community isolation sa bawat barangay ay pamamahalaan ng mga barangay volunteers gaya ng mga health workers at nutrition scholars dahil sa kakulangan narin umano ng pwersa ng frontline healthcare workers.