Pagpaparehistro sa mga e-trikes, pinag-aaralan ng Muntinlupa

Isinusulong ni Muntinlupa Councilor Ryan Bagatsing ang pagpaparehistro ng mga e-trikes sa ilalim ng city government upang matukoy ang may-ari, gumagamit, at driver nito.

Ito ay kasabay ng pagkabahala ni Batgatsing sa mga road accidents na kinasasangkutan ng naturang vehicle.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Giit pa niya, kailangan na talagang magkaroon ng regulations hinggil sa paggamit ng e-trikes.

Sa kasalukuyan, pinagbabawal sa mga tricycle sa Muntinlupa na makagamit ng national roads, matapos magreklamo ang ilan na nagiging hazard na ang mga ito sa malalaking kalsada sa bansa.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Samantala, nilinaw ni Bagatsing, anumang regulasyon na ipatutupad ay pag-uusapan sa public hearing na isasagawa ng City Council.

Mababatid na hindi pa nire-require ng Land Transportation Office ang pagpaparehistro ng mga e-trikes.