Pagpaparehistro para sa gagawing AGMA ng Canoreco sa Disyembre magtatapos na sa November 29

CAMARINES NORTE- Hanggang sa Nobyembre 29 na lamang ang pagpaparehistro para sa gagawing Annual General Membership Assembly (AGMA) ng Camarines Norte Electric Cooperative sa Disyembre ng taong kasaukuyan.

Ginagawa ito sa mga Area Offices at Service Centers ng kooperatiba, at sa mga follow up collection activities tuwing due date kung saan hinahanapan lamang ng CANORECO Membership ID o kahit anumang valid ID ang MCO para sa madaling pagpaparehistro.

Matapos nga ang mahigit isang taon mula ng kanselahin ng National Electrification Administration (NEA) ang pagsasagawa ng AGMA dahil sa banta ng COVID- 19 ay matutuloy na rin ito sa December 11 araw ng Sabado, mula 1:00 ng hapon sa pamamagitan ng Facebook Live Streaming.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa text message sa Brigada News FM Daet, inihayag ni General Manager Zandro Gestiada na isinasapinal pa nila ang guidelines ng naturang gawain hinggil sa magiging daloy nito.

Kabilang naman sa Agenda ay ang report ng Treasurer, General Manager o ang State of the EC Address” (SECA).

Magkakaroon din ng Malayang Talakayan tulad ng dating ginagawa.

Mahalaga ang pagdalo sa AGMA upang malaman ang kasalukuyang status ng naturang kooperatiba ng kuryente.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang pagdalo din dito ay isa rin sa mga kwalipikasyon para maging isang Direktor ng kooperatiba.

Kasama rin ang AGMA attendance sa Key Performance Standard na basehan ng NEA sa pagtukoy ng categorization ng kooperatiba.

Ang AGMA ay ang taunang pagpupulong ng mga Member Consumer ng isang Electric Cooperative na isinasagawa ng CANORECO tuwing ika-huling Sabado ng Agosto taon-taon.

Pero dahil sa pandemya huli itong ginawa noong 2019.