Pagpapapaigting ng presensiya ng mga pulis sa bansa, ipinag-utos ni PNP Chief Marbil

Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagpapaigting pa ng patrol operations ng mga pulis sa buong bansa.

Ito’y kasunod ng direktiba ni Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos Jr.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ayon kay Gen. Marbil, kabilang sa kanyang direktiba ang pagsasagawa ng foot patrol, Oplan Galugad, motorcycle patrol, at Oplan Sita.

Dapat din nakikita sa field duties ang 85% ng mga pulis sa bansa at bawasan ang kanilang office work

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Nais kasi ni Gen. Marbil na mabilis o agarang makapagrespunde ang mga pulis na layong mapigilan ang paglaganap ng krimen.