Pagpapalit ng kalihim ng DepEd, hindi makakaapekto sa pagbubukas ng panibagong school year

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na hindi maaapektuhan ng pagbabago ng pamunuan ng ahensya ang paghahanda sa pagbubukas ng mga klase sa Hulyo 29.

Ito’y kasunod ng anunsyo ng Malacañang na si Sen. Sonny Angara ang napiling pumalit kay Vice President Sara Duterte bilang Education Secretary.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa, nagsimula na ang enrollment activities, gayundin ang iba pang paghahanda para sa pagbubukas ng school year.

Isinagawa rin ng ahensya ang isang inter-agency meeting kahapon upang magplano para sa “Brigada Eskwela,” o ang taunang programa sa pagpapanatili ng mga paaralan sa buong bansa na umaakit sa lahat ng stakeholder ng edukasyon.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Para sa maayos na transition ng pamunuan, tinatapos na rin ng DepEd ang ilang mga ulat na isusumite sa tanggapan ni Sen. Angara, gayundin din ang pagpa-plano sa pagpupulong ng Senador kasama si VP Duterte.