Inumpisahan na ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang paglulunsad ng Smart Village, Smart Island Initiative (SVSI) sa bayan ng Tingloy, Batangas.
Layunin ng naturang programa na mapalakas pa ang internet connection sa nasabing lugar, at maipakilala ang “school in bag” digital classroom, at implementasyon ng solar panels.
Kabilang din dito pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga residente pag dating sa makabagong teknolohiya.
Kaugnay nito, inaasahan ring makatutulong ito upang maiangat ang kalidad ng edukasyon, health services, at oportunidad pang-ekonomiko ng mg residente sa Tingloy, Batangas.