Kampanya kontra krimen, mas pinaigting ng Batangas PPO sa probinsya

Mas paiigtingin pa ng Batangas Police Provincial office, ang kanilang kampanya laban sa mga krimen sa buong probinsya ng Batangas.

Batay sa ulat ng BPPO, mula Abril 1 hangang Hunyo 30, 2024 ay umabot na sa 130 Most Wanted Person sa Batangas ang kanilang naaresto, kabilang ang isang National Level na wanted, 22 Regional Level wanted, 52 Provincial Level wanted at 55 City at Municipality wanted.

Naaresto rin nila ang nasa dalawang daan at walumpu’t pitong iba pang wanted persons.

Kaugnay nito, sa 379 na ikinasang operasyon laban sa iligal na droga, naaresto nila ang nasa 421 na indibidwal kung saan nasabat nila ang nasa 1,435,465 na gramo ng shabu at 338.60 na gramo ng marijuana.

Ilan lamang ito sa tagumpay ng Batangas PPO at hinihikayat nila ang publiko na makipagtulungan sa kanila upnag masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng buong Batangas.

Sa ngayon ay patuloy ang kanilang ginagawang pagsusulong ng BIDA o Buhay Ingatan, Droga’y Iwasan, na programa ng Department of the Interior and Local Government o DILG.